Lunes, Marso 13, 2017

Mga Batas sa Pagpapaunlad ng Sektos ng Ekonomiya

Pagpapaunlad sa Bawat Sektor ng Ekonomiya

Ang ating ekonomiya ay may iba't-ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor na ito ay ang "agrikultura", "industriya", at "paglilingkod". Ito ang mga sektor na tumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya.


Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

Isa sa mga primary na sektor ang agrikultura. Maliit man ang 12% pero malaki ang nai-aambag nito sa pangangailangan ng bawat tao. Sila ang nagbibigay ng produktong ginagamit natin sa pang araw-araw.


Ito ang mga reporma sa lupa at presidenteng nagpatupad nito:
  1. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 : Kilala sa tawag na (CARL) o Comprehensive Agrarian Reform Law na inaprobahan ni dating pangulong si Corazon Aquino noong ika-10 ng Hulyo 1988.Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
  2. 1902 Land Registration Act :  Sa ilalim ng sistemang TORRENS noong panahon ng Amerikano ay ipinatupad ang pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga Pilipino. Ang TORRENS TITLE ang nagbigay daan para agawin ang mga lupang matagal ng binubungkal ng mga magsasaka nang walang titulo.
  3. Batas Republika Blg.1190 :Ang batas na ito ay ipinatupad ni Ramon Magsaysay na nagbibigay proteksyon at seguridad sa mga magsasaka.
  4. 1902 Public Land Act : batas na nagbigay daan sa pamimigay ng mga lupang publiko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.
  5.  Batas Republika Blg.. 1160 : naitatag ang (NARRA) National Resettlement and Rehabilitaton Administration sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga pamilyang walang lupa.

Kahalagahan ng Agrikultura
  • Ito ang pundasyon ng Ekonomiya sa bansa
  • Panustos ng pagkain at ng mga hilaw na mga sangkap
Mga Suliranin ng Agrikultura
  • Mataas na gastusin sa lupa
  • Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
  • Pagdadagsa ng mga dayuhang kalakal
  • Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
  • Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa

Mga Solusyon sa mga Suliranin
  • Pagtatakda ng tamang presyo sa mga pangangailangan sa agrikultura
  • Pagbibigay ng subsidy sa mga maliit na sakahan
  • Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay, at kalsada
  • Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
  • Pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
  • Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural



Sektor ng Industriya

Upang magkaroon tayo ng industriyalisadong bansa ay pagtataglay ng malaking kapital, mataas na antas ng teknolohiya, matatag na nergosyo, modernong imprastraktura, at iba pa.Kasalukuyan, kabaliktaran ang nararanasan natin sa ating bansa.

Ang sektor ng industriya ay nahahati sa 4 na subsectors:




Kahalagahan ng Industriya
  • Nagkakaloob ng Hanapbuhay
  • Kumikita ng Dolyar ang Ekonomiya
  • Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales
  • Nakagagamit ng makabagong teknolohiya
  • Nagsu-suplay ng yaring produkto

Mga Suliranin ng Industriya
  • Kakulangan sa pondo para sa pagpapagawa ng makabagong kagamitan
  • Kakulangan sa proteksyon at suporta ng pamahalaan
  • Kompetisyon sa mga dayuhang kompanya at industriya
  • Import-dependent
  • Polusyon na dala ng industriya

Mga Solusyon sa mga Suliranin
  • Pagtanggal ng import liberalization ng pamahalaan
  • Pagkakaloob ng pautang sa mga lokal na negosyante
  • Political Will ng Gobyerno
  • Pagbibigay ng subsidy at insentibo sa mga maliit na kompanya
  • Pagbibigay ng prayoridad sa pangangailangan ng industriya
  • Paghihikayat sa mga dayuhang kompanya

Sektor ng Pagliingkod

Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng produkto sa loob o labas ng bansa.Ito ay nagkakaloob ng serbisyong pampamayanan, panlipunan, o personal.
Ito ay ang mga ss.:
  1. Transportasyon, komunikasyon , at iba pang imbakan-nagmumula sa pagbibigay ng publikong sasakyan, mga paglilingkod ng telepono at mga pinapaupahang bodega.
  2. Kalakalan-mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba't-ibang produkto at paglilingkod.


Kahalagahan ng Paglilingkod
  • Tinitiyak na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa mga sakahan o pagawaan
  • Tinitiyak ang maayos na pag-iimbak, nagtitinda ng kalakal, at iba pa
  • Nagpapataas ng Gross Domestic Product (GDP) ng ating bansa
  • Nagpapasok ng dolyar sa bansa

Mga Suliranin ng Paglilingkod
  • Maraming manggagawa ang naninilbihan sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran
  • Mabagal na pag-unlad ng turismo
  • Brain Drain: mababa ang antas ng lakas paggawa
  • Kakulangan sa mga skilled workers
  • Kulang sa proteksyon ng pamahalaan sa mga OFW


Mga Solusyon sa mga Suliranin
  • Maglunsad ng taas pasahod sa mga lokal na manggagawa upang mahikayat dito na magtrabaho
  • Maghasa sa mga sumusunod na manggagawa sa pamamagitan ng mahusay na sistema ng edukasyon
  • Paglinang ng pamahalaan sa kakayahan ng bansa sa (ICT) Information and Communications Technology
  • Paglinang ng tourism hubs sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga paliparan, lansangan at daan
  • Masisipag, at may direksyon sa trabaho, nagpapakita ng pagkamalikhain at pagnanais na matuto sa iba't-ibang kasanayan

Mga Benepisyong Makatutulong sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya: